UNITY STATEMENT ON PEACE
27 March 2015
Peace Bell, Quezon City Memorial Circle
We, the undersigned members of civil society, representatives from the Youth, Women, and Business sectors, are one with our fellow peace advocates in government and in the private sector in the pursuit of justice, freedom, peace and security.
Consistent with the democratic ideals on which our society was founded upon, we consider it our moral duty to actively advocate for rational and constructive discourse with the national and local governments, especially in the critical area of the Mindanao peace process.
We are steadfast in treading the path toward peace despite the many challenges in its way. We are hopeful that the Bangsamoro Basic Law will continue to be pursued through meaningful discourse and resolution.
As such, amidst differences in opinions and political alignments, we reaffirm our support for the immediate resumption of the peace process, primarily by pushing for the resumption deliberations on the Bangsamoro Basic Law, which the underlying principles of social justice, human development, and lasting peace embody the dreams not only of our Muslim brothers and sisters, but also of every Filipino.
Let our pursuit of “KAPAYAPAAN SA LAHAT” be our unifying call to action. Let us stand firm so inclusive peace and justice shall finally be within every Filipino’s reach.
NAGKAKAISANG PAHAYAG UKOL SA KAPAYAPAAN
27 March 2015
Peace Bell, Quezon City Memorial Circle
Kaming mga lumagdang miyembro ng samahan ng lipunang makabayan (civil society), mga kumakatawan sa iba’t ibang lupon ng Kabataan, Kababaihan at Sektor ng Pangangalakal na aming pinagsisilbihan, ay nakikiisa sa kapwa naming taga-sulong ng Kapayapaan sa pamahalaan at sa pribadong sektor, sa paghahangad ng hustisya, kalayaan, kapayapaan at katiwasayan.
Naaayon sa demokratikong ideolohiya kung saan nakabatay ang pagkakatatag ng ating lipunan, isinasang-alang-alang namin bilang tungkuling moral ang pagsulong sa rasyonal at makabuluhang talakayan kasama ng ating pamahalaang lokal at nasyonal, lalo na sa kritikal na aspeto ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.
Kami ay nananatiling matatag sa pagtahak ng landas tungo sa kapayapaan, sa kabila ng mga hamong kinahaharap nito. Umaasa kaming patuloy na maisusulong ang Bangsamoro Basic Law sa pamamagitan ng makabuluhang diskurso at resolusyon.
Sa makatuwid, sa gitna ng magkakaibang opinyon at politikal na hanay, higit naming pagtitibayin ang aming suporta para sa agarang pagpapatuloy ng prosesong pangkapayapaan, sa pamamagitan ng pagsusulong na ipagpatuloy ang deliberasyon ukol sa Bangsamoro Basic Law, kung saan ang nakasalig na mga prinsipyo ng hustisyang panlipunan, kaunlarang pantao, at pangmatagalang kapayapaan ay kumakatawan sa mga pangarap hindi lamang ng nating mga kapatid na Muslim, bagkus ng bawat mamamayang Pilipino.
Mangyaring ang iisang hangaring “KAPAYAPAAN SA LAHAT” ang aming maging panawagan sa labang ito. Tayo’y manindigan upang ang pangkalahatang kapayapaan at hustisya ay makamit ng bawat Pilipino.
SIGNED/NILAGDAAN:
All Out Peace Movement
Women Engaged in Action on 1325 (WE Act 1325)
International Center for Transformation, Innovation and Excellence in Governance (INCITEGov)
Friends of the Bangsamoro (FoBM)
Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO)
Koalisyon ng Mamamayan Para sa Reporma (KOMPRe)
Makati Business Club
Philippine Business for Social Progress
GZO Peace Institute
Generation Peace Youth Network
Young Public Servants (YPS)
National Youth Commission (NYC)
Mindanao Solidarity Network (MSN)
Balay Rehabilitation Center
Initiative for International Dialogue (IID)
Center for Peace Education
Philippine Center for Islam and Democracy (PCID)
Mindanao Peaceweavers (MPW)
Women’s Peace Table (WPT)
Women in International Security (WIIS)