CODE-NGO’s Social Development Week 2020 and 29th General Assembly
Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo gave a heartfelt video message thanking CODE-NGO and its participants during its Public Forum titled “COVID-19 Road to Recovery: Solutions from the Communities” last September 24, 2020. VP Leni acknowledged all the hard work that development workers put during the pandemic. Despite the difficult times, she praised the spirit and dedication of the participants. She concluded her speech with an inspirational message of support for Filipinos to continue to be united, working together during tough times.
“Binabati ko ang mga bumubuo ng Caucus of Development NGO Networks at lahat ng participants sa inyong Social Development Week 2020 at 29th General Assembly. Nakakatuwang makita na even with the pandemic still putting physical gatherings on hold, you continue to find ways to meet, connect, and learn from each other.
Huli tayong nagkita-kita noong 2016 para sa inyong 25th anniversary. I spoke to you about the greatest challenge before us: Kung paano natin maitatranslate on the ground ang mga ipinaglalaban at pinaniniwalaan natin. Kung paano natin maaabot ang pinakamaliliit nating mga kasama at maramdaman nila na hindi sila napag-iiwanan. Na walang naeetsepwera. Para sa kanila mismo ang ginagawa natin.
None of us expected to be tested this intensely in the time of COVID-19. Sa kabila nito, patuloy pa din kayong tumutuolng, lumalaban, at naghanap ng paraan para maempower ang kababayan natin lalo na ang mga nasa laylayan. Sobrang grateful namin dahil habang ginagawa namin ang trabaho namin, nakikita namin how the center of gravity for service and compassion is likewise expanding.
Personal kong nasaksihan sa bawat pagkakataon na meron kaming nakakatrabaho at nakakapartner na NGO tulad ng inyong opisina. Lagi akong namamangha sa inyong husay, galing, at talento. Laging mayroon kayong naiaambag na bago. Laging mayroong ibinibigay na bahagi ng inyong sarili, minsan higit pa para sa kapwa. Lalo na ngayong panahon ng pandemya. Hindi kayo tumitigil sa lawak ng saklaw sa malasakit.
Para sa akin, ito mismo ang ibig sabihin ng pagiging servant leader: Ang paghahanap ng paraan at pagharap sa mga pagsubok. Ang pagsulong kahit na maraming panganib. Ang paggawa nang tama maski sa maliliit na desisyon. Ang pagtuon ng ating kilos patungo sa kapakanan ng ating kapwa, lalo na sa pinakanangangailangan.
Malaki man ang hamon ng kasalukuyang panahon, humugot at patuloy na humugot ng lakas sa isa’t isa. Ang sagot sa mga suliranin natin ay hindi isa, kundi bawat isa, dahil magkarugtong ang buhay ng bawat indibiduwal. Ang pagbabaya sa isa ay pagbabaya sa lahat. At ang pag-angat sa nasa laylayan ay pag-angat sa lahat. Oo, malaki ang paghamon pero lagi kong sinasabi na palaging mas malaki ang pagkakataon na makilahok, makitulong, at makiambag. Pagkakataong ipakita na Pilipino tayo at anumang pagsubok ay kaya nating lagpasan basta nagbabayanihan.
Kaya tuloy lang tayo, sige lang, padayon lang. Widen the pathways so more can contribute to nation-building. Include more people in the conversation. Engage more sectors and organizations. Remember that we are made for times like this. Difficulty can be turned into an opportunity to lead with great resolve and great strength. True strength that empowers, nurtures, unites, and lives on. Maraming salamat at mabuhay kayong lahat!”
Watch the full video here!
You must be logged in to post a comment.