Alone I am weak, but with others I am strong

April 29, 2020

By CODE-NGO

Inaprubahan ng Board of Directors sa pangunguna ni Dir. Ma. Theresa P. Pacatang, Chairperson noong March 27, 2020 ang resolusyonng mamahagi ang Most Holy Rosary Multipurpose Cooperative (MHRMPC) ng relief para sa mga kasapi. 

Dahil sadyang marami ang aming members (20,000 lahat), napagkasunduan ng BOD na maglaan lamang ng P4 million para sa relief na kukunin mula sa Cooperative Development Fund at sa Optional Fund ng koop. Nagbigay ng tig-P500 halaga ng goods para sa 8,000 kasapi. Ang bawat pamilya, maging ilan man ang members nila sa koop, ay nakatanggap lang ng isang pack ng relief goods upang maraming pamilya ang mabigyan. Hinikayat ang mga kasapi na may kakayahan sa buhay na i-donate ang kanilang relief packs sa mga kasaping higit pang nangangailangan. 

Nagtulong-tulong ang mga volunteer staff at officers na i-repack ang 800 cavans ng bigas at mga delata.

Noong una, naging problema kung paano ibabahagi ang relief. Ang una naming naisip ay hilingin sa mga kasaping may tricycle na sila ang magbigay sa kakilala nilang members. Ang sector na iyan ang priority ng koop. Priority din na mabigyan ng agarang ayuda ang 242 kasapi sa livelihood ng koop.

Ngunit hindi nangyari ang plano sapagkat kusang nagsirating sa opisina ng koop ang mga kasapi. Nagkaroon ng panawagan sa FB at text blast na sila ay bibigyan ng ayuda. Naglagay din ng skedyul ng pamimigay sa mga branch offices ng koop sa labas ng Montalban tulad ng Cainta Branch, Batasan Branch at San Mateo Branch.

Sobrang laki ng pasasalamat ng mga kasaping nakatanggap ng relief! Maraming nagpost ng pasasalamat sa FB at personal chat. 

Ang mga hindi kasapi ng koop ay nagkaroon ng interes na magmiyembro dahil sa nakitang pagtulong ng koop. Hindi nila inakala na ang mga kooperatiba ay magpaparating ng tulong sa ganitong pagkakataon. 

Nagkaroon ng ikalawang ayuda ang koop para sa mga associate members kasama ang ilan pang pamilya. Muling naglabas ng pondo ang koop upang mamigay ng tig-aapat na kilong bigas para rito. Namahagi rin ng cash assistance sa mga opisyales at staff ng koop. 

Umabot sa halagang P4.4 million ang inilabas ng kooperatiba upang makatulong sa panahon ng ECQ.

Ang MHRMPC ay 35 years na sa operation, may 115 employees, may 6 branch offices at trading business na may P500 million asset sa kabuuan. 

Ang aming cooperative pledge ay “Alone I am weak, but with others I am strong”. Kapag sama-sama ay marami tayong magagawa. Sa panahon ngayon, mahalaga na makatulong tayo sa abot ng ating makakaya. 

Mabuhay ang sector ng Kooperatiba! Mabuhay ang Most Holy Rosary Multipurpose Cooperative.

Our cooperative’s Board of Directors headed by Chairperson Ma. Theresa P. Pacatang approved a resolution last March 27, 2020 to distribute relief goods to our members amounting to P4 million. The generous amount was obtained from our Cooperative Development Fund and Optional Fund. 

We announced the planned distribution through Facebook posts, text blasts, and posters in different branch offices. Each of our 8,000 members received P500 worth of repacked rice and canned goods. Some of our better-off members donated their share to those who are in need.  

After that round, more relief packs were distributed and cash assistance extended to some more families, associate members, staff, and officers. Our cooperative funds released a total of P4.4 million worth of support to our members during this ECQ period. 

Everyone who received the relief packs were very grateful! They thanked the cooperative through personal chats and FB posts. 

The assistance is so noticeable that people who are non-members of MHRMPC are now interested to join because they are surprised that a cooperative can extend such support during a pandemic. 

MHRMPC has been operating for 35 years, has 115 employees, six branch offices and trading business with a total asset of P500 million. Our pledge “Alone I am weak, but with others I am strong” gives us our relevance. It is important that we are able to help the best way we can. 

More power to the cooperative sector! More power to the Most Holy Rosary Multipurpose Cooperative!

By: Joselita F. Cardona, Chief Executive Officer, Most Holy Rosary Multipurpose Cooperative (MHRMPC)

Share This